Lalong lumalala ang mga problemang nararanasan ng mga residente ng isla ng Boracay hindi lang sa pangkalikasan, kundi pang-ekonomiya na rin.
Base sa viral post ni Mr. Gil delos Santos sa Facebook, na may pamagat na “Extra Singilan sa Boracay Activities at iba pa,” usap-usapin ang mga kahina-hinalang batas na ginagawa ng mga politiko at maging mga paraan para magkaroon ng pansariling negosyo at pagkakakitaan.
Mula nang itinatag ang tinatawag na Boracay Picnic Activities Association (BPAA), naging mabilis ang proseso sa pagkakaroon ng iilang mga negosyo tulad na ng “picnican” dahil mga malalaking negosyante ang nagmamay-ari nito.
Ang “picnican” ay isang eating spot ng mga turistang kasama sa island hopping activities, kung saan dito sila kumakain. Napag-alaman ding naniningil pa sila ng ₱100 kada bisita bago sumampa rito ngunit wala umano itong ligal na basehan at wala rin umano itong resibo.
Kaugnay nito, kinikuwestyon din ni Delos Santos kung bakit naipasa pa ang BPAA kung mayroon ng organisasyong nag-o-operate ng parehong nature of business at ito ang Boracay Island Hopping Association (BIHA). | JOHN RONALD GUARIN
(via Gil delos Santos/Facebook)
0 Comments