WEATHER UPDATE | August 27, 2023


 

WEATHER UPDATE| Ganap nang naging isang super typhoon ang bagyong Goring habang nasa dagat ito na sakop ng Palanan, Isabela. 

Batay sa pinakahuling ulat, namataan ang sentro ng bagyo sa dalampasigan ng Palanan, Isabela taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 185 kilometro kada oras at pagbugso na aabot sa 230 kilometro kada oras. Habang mabagal itong kumikilos sa direksyong south southwesward. 

Dahil dito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa extreme eastern portion ng Isabela o ang bayan ng Divilacan at Palanan. 

Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 naman sa eastern portion ng mainland, eastern portion ng Isabela at extreme northern portion ng Aurora. 

Habang nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Babuyan Islands, rest of mainland Cagayan, rest of Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, eastern portion ng Benguet, eastern portion ng Ilocos Norte, northeastern portion ng Nueva Ecija, northern at central portions ng, Polillo Islands, at Calaguas Islands. 

Makakaapekto naman ang southwest monsoon o habagat na pinalakas ng super typhoon Goring sa western portion ng Central Luzon, Southern Luzon at Central Visayas sa susunod na tatlong araw.

Makararanas din ng pabugso-bugsong hangin ang Aurora, Bataan, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Dinagat Islands, at Camiguin. 

Samantala, inaasahang babagtasin ng Super Typhoon Goring ang Philippine Sea sa silangan ng Cagayan-Isabela area, at iikot ito at kikilos pa-hilaga hilagang silangan bukas, araw ng Lunes.|TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog