EJ OBIENA NAKASUNGKIT ANG SILVER MEDAL SA WORLD ATHLETICS CHAMPIONSHIPS



Nasungkit ng Filipino Olympian at pole vaulter na si EJ Obiena ang silver medal sa kakatapos lamang na the World Athletics Championships na ginanap sa Budapest, Hungary nitong Sabado.

Nakuha nito ang puwesto matapos ang dalawang pagsubok na maabot ang 6-meter clearance, habang sinubukan ni Obiena ang 6.05 at 6.10 meters na clearance pero nabigo ito.

Naiuwi ng Swedish-American pole vaulter na si Armand Duplantis ang gintong medalya ng maabot ang 6.10 meters clearance.

Napunta naman kina Kurtis Marschall ng Australia at Christopher Nilsen ng US ang bronze medal na nagtapos sa 5.95 meters.

Matandaang noong nakaraang taon ng World Athletics Championships ay nakuha ni Obiena ang bronze medal.

Siya ngayon ang pinaka-unang Pinoy na pasok sa 2024 Paris Olympics nang ma-qaulify ito sa BAUHAUS-Galan leg of the Diamond League sa Stockholm, Sweden sa pamamagitan ng 5.82-meter clearance. |Ni Rio Trayco

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog