GILAS PILIPINAS, BIGONG MAKUHA ANG PAGKAPANALO SA UNANG LARO LABAN SA DOMINICAN REPUBLIC




Bigong makuha ng Gilas Pilipinas ang pagkapanalo sa unang laro nito sa 2023 FIBA World Cup sa Philippine Arena sa Bulacan.

Mababatid na nagawa pa ng Gilas na dumikit sa Dominican Team at makailang beses ding lumamang, hanggang sa kinailangan na ni Fil-Am NBA star Jordan Clarkson na magpahinga dahil sa foul trouble pagsapit ng 4th quarter.

Dito na sunod-sunod nakapuntos ang Dominican Team hanggang sa umabot sa lima ang kalamangan, ilang segundo bago ang pagtatapos ng laro.

Kapansin-pansin din ang naging depensa ng Gilas na naging rason upang pahirapan ang Dominican Team na pinangungunahan ni Minnesota Timberwolves at NBA all star Karl Anthony Towns.

Samantala, nagtapos naman ang laban matapos na talunin ng koponan ng Dominican Republic ang Gilas Pilipinas sa score na 87-81. |Ni Teresa Iguid

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog