WEATHER UPDATE | August 24, 2023



Huling namataan ang Tropical Depression "Goring" na tinatayang sa 400 km East Northeast of Aparri, Cagayanna may maximum sustained winds na 55 km/h malapit sa gitna na may pagbugsong aabot sa 70 km/h at kumikilos ng mabagal patungong West Northwestward.

Sasabayan naman ito ng Southwest Monsoon na makakaapekto sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.
Ayon sa PAGASA ang buong Visayas, Palawan kasama ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro ay makakaranas ng medyo maulap hanggang maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng Habagat.
Magkakaroon naman ng mahina hanggang sa katamtaman na hangin mula sa Timog-kanluran hanggang sa Kanluran ang iiral sa buong Visayas, Palawan, kasama ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro.
Samantala may banayad hanggang sa katamtaman na pag-alon naman sa karagatan ang iiral. |TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog