PROBINSYA NG AKLAN NAGTALA NG MAHIGIT 500 NA KASO NG DENGUE


Nagbabala ang health authorities sa muling pagtaas ng kaso ng dengue sa probinsya ng Aklan matapos itong magtala ng mahigit 500 cases.

Batay sa datos ng Department of Health Western Visayas, umabot na sa 512 ang nalilistang kaso ng nasabing sakit sa probinsya mula buwan ng Enero hanggang ika-12 ng Agosto ngayong taon.
Tumaas ito ng 4 percent kumpara sa kaparehong period noong nakaraang taong 2022 na nagtala lamang ng 491.
Nasa ika-apat ang Aklan sa buong rehiyon na may pinakamaraming kaso habang nanguna naman ang probinsya ng Iloilo.
Dahil dito, muling hinikayat ang publiko na gawin ang 4S strategy o ang Search and destroy mosquito breeding places; Seek early consultation from health experts; Secure self-protection; and Support fogging/spraying bilang epektibong paraan kontra dengue. | Rio Trayco

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog