PAGPAPABUTI NG HEALTH CARE SYSTEM SA AKLAN, NAGING MATAGUMPAY – GOV. MIRAFLORES


Naging matagumpay ang pagsisikap ng Aklan Provincial Government na mapabuti ang Health Care System ng probinsya.

Ito ang inihayag ni Aklan Gov. Jose Enrique Miraflores sa kanyang State of the Province Address nitong Martes, Agosto 22.

Aniya, bumaba sa critical level ang kaso ng Covid-19 sa Aklan habang bumaba rin ang mga naitalang kaso ng dengue at rabies sa probinsya.

Dagdag pa nito, nabawasan din ang maternal mortality rate at infant mortality rate sa Aklan.

Patuloy din aniyang isinusulong ang “behavioral change and information base knowledge” upang palakasin ang mga pamilya sa probinsya.

Sa kabila nito, nasa 3,205 frontline Barangay Health Workers ang nakatanggap ng karagdagang 5,600 na insentibo mula sa Provincial Government at nasa 4,014 na Barangay Nutrition Scholars ang nakatanggap ng karagdagang 5,000 na insentibo.

Sinabi rin ng Gobernador na magpapatuloy ang pagbibigay ng alokasyon para sa Supplementary Feeding Program ng 16,078 na mga kabataan sa probinsya.

Samantala, binanggit din nito na isa ang Aklan sa nagpapatupad ng Advance Implementation Site para sa Universal Healthcare Coverage Law. |Ni Jurry Lie Vicente

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog