WEATHER UPDATE | August 21, 2023


WEATHER UPDATE| Makakaapekto ang Southwest Monsoon sa western sections ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao, ngayong araw. 

Ayon sa PAGASA, ang Palawan kasama ang Kalayaan Islands ay makakaranas ng maulap na papawirin na may pulo-pulo hanggang sa kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng Habagat. 

Habang ang buong Visayas at Occidental Mindoro ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog dulot ng Habagat / Localized Thunderstorms.

Samantala, mahina hanggang sa katamtaman na hangin mula sa Timog-kanluran hanggang sa Timog ang iiral sa buong Visayas, Palawan, kasama ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro na may banayad hanggang sa katamtaman na pag-alon sa karagatan. |TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog