33% INCREASE SA PAPREMYO, INAASAHAN SA KALIBO STO. NIÑO ATI-ATIHAN FESTIVAL 2024



Inaasahan ang pagkakaroon ng 33% increase sa papremyo ng Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Festival 2024.

Ito ang kinumpirma ni Mr. Boy Ryan Zabal, Chairman ng Sadsad Parade committee, sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo.

Aniya, mayroon itong proposal ngayong taon para sa nasabing karagdagang papremyo.

Dahil dito, inaasahan aniyang aabot sa ₱2.4 million ang mga papremyong matatanggap ng mga grupo o tribu na sasali sa kompetisyon.

Katunayan, minabuti aniya ng alkalde na mananatili sa ₱1 million ang papremyo para sa Tribal Big Champion. |Ni Jurry Lie Vicente

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog