BAGONG TARIPA SA PAMASAHE, IPAPATUPAD NG MALINAO-LEZO TRANSPORT COOPERATIVE

 


BAGONG TARIPA SA PAMASAHE, IPAPATUPAD NG MALINAO-LEZO TRANSPORT COOPERATIVE

Ni Jurry Lie Vicente

 

Inaasahang magpatupad ng bagong taripa sa pamasahe ang Malinao-Lezo Transport Cooperative sa mga susunod na araw.

 

Ito ang kinumpirma ni Mr. Edgar Igcasenza, presidente ng Malinao-Lezo Transport Cooperative sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo.

 

Aniya, nais nitong linawin sa mga pasahero na hindi sila nagpatupad ng taas-pasahe sa kabila ng ipinalabas na bagong taripa ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) noong Oktubre 3, 2022.

 

Paliwanag pa nito, kailangan na itong ipatupad dahil hindi na nila kayang habulin pa ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

 

Dagdag pa nito, maaapektuhan ang mga drivers kapag hindi ito ipatupad dahil may pangangailangan din ang mga ito sa araw-araw

 

Nilinaw din nito na hindi pwedeng magtaas ng pamasahe na walang kautusan mula sa LTFRB at DOTr.

Sinabi rin nito na ang bagong pamasahe ay adjustment lamang mula noong Oktubre 2022.

 

Binanggit din nito na ang dating pamasahe mula Kalibo-Malinao ay nasa 25 para sa regular, at nasa 23 ang para sa student, senior citizen at PWD noong taong 2018.

 

Habang nasa 31.75 naman ang bagong taripa na ipinalabas ng LTFRB at DOTr.

Samantala, hiniling din nito sa mga pasahero at drivers sa western side ng Aklan na unawain ang pagkakaroon ng kaunting adjustment sa pamasahe.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog