WASTONG PANGANGALAGA SA MGA PASYENTENG NAKAKARANAS NG MENTAL HEALTH PROBLEMS, ITINUTULAK SA KALIBO

 


WASTONG PANGANGALAGA SA MGA PASYENTENG NAKAKARANAS NG MENTAL HEALTH PROBLEMS, ITINUTULAK SA KALIBO

 

Itinutulak ngayon ng lokal na pamahalaan ng Kalibo na itaas ang kamalayan sa mental health at magkaroon mga programang makakatulong sa mga pasyente na nakakaranas ng mental health problems, sa probinsya ng Aklan. 

Dahil dito, nagpasa ng isang ordinansa si SB Member Phillip Kimpo na layong matulungan hindi lamang ang mga nakakaranas ng depresyon at iba pang mental health problems kundi maging ang mga pagala-gala na mga indibidwal na mayroong special mental health needs. 

Ani Kimpo, itong hakbang ay kasunod ng dumaraming kaso nito na kadalasang ugat ay ang peer pressure, environment at maging sa eskwelahan na madalas ay napapabayaan dahil sa kakulangan sa atensyong medikal. 

Sa pamamagitan aniya ng Ordinance on Mental Health Care Services, bubuo ng mental health care council na siyang magtutulungan sa mga gagawing hakbang upang mailagay sa wastong pangangalaga itong mga indibidwal na may mental problem. 

Kaugnay dito, isa naman sa mga ipinuntong problema dito ay ang kakulangan ng pasilidad sa probinsya maging ng mga eksperto tututok sa naturang kaso. 

Samantala umaasa naman ngayon si Kimpo na mabibigyan ng tugon ang kanilang hiling sa Department of Health na mabigyan ng pondo ang pagpapatayo ng nasabing pasilidad. |Ni Teresa Iguid

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog