PAYOUT PARA SA SOCIAL PENSION NG MGA SENIOR CITIZEN SA KALIBO, NAGING MATAGUMPAY

 


PAYOUT PARA SA SOCIAL PENSION NG MGA SENIOR CITIZEN SA KALIBO, NAGING MATAGUMPAY


Naging matagumpay ang isinagawang pay out para sa social pension ng mga senior citizen sa bayan ng Kalibo.

Ito ang inihayag ni Mr. Darius Melgareho, Presidente ng Senior Citizens Affairs-Kalibo, sa panayam ng Radyo Bandera News Team.

Karamihan aniya sa mga senior citizen ay pumunta sa venue at personal na tinanggap ang P3000 na pension sa isinagawang pay out sa Bliss Site Covered Court, nitong Agosto 2, 2023.

Sa kabila nito, humingi naman ng paumanhin si Melgareho sa mga senior citizen matapos na magkaroon ng problema sa upuan sa naturang covered court.

Ipinaliwanag din nito na pagsinabing payout, tiyak na mas maagang pumupunta ang mga senior citizen sa itinalagang venue.

Ikinagulat na lamang umano nito na pagdating lugar, wala pang mga upuan at ilang oras nang nakatayo ang mga matatanda.

Hiniling din nito sa mga kinauukulan na kapag mayroong schedule ng payout, dapat agahan aniya ang paglagay ng mga upuan upang hindi na magreklamo ang mga senior citizen.

Samantala, inabisuhan sin nito ang mga senior citizen na hindi pa nakakakuha ng pension na magtungo sa Barangay Andagao Covered Court para sa susunod na payout. |Ni Jurry Lie Vicente

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog