UNEMPLOYMENT RATE SA BANSA BUMABA SA 4.5%


Bumaba sa 4.5% ang unemployment rate sa Pilipinas noong Abril kung saan katumbas ito ng 2.6 million na mga Pilipinong walang trabaho.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), mas mababa ito kumpara sa 4.7% o 2.42 million na mga Pilipinong walang trabaho na una nang naitala noong buwan ng Marso, na katumbas ng 4.8% na naitala noong Enero.

Sa kabila nito, tumaas naman sa 12.9% ang underemployment rate noong Abril 2023, na may katumbas na 6.20 million na mga Pilipino, mas mataas kumpara sa 11.2% na una nang naitala ng PSA noong buwan ng Marso 2023. |Ni Jurry Lie Vicente

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog