PITONG CONTESTANT NG MISS UNIVERSE INDONESIA, NAGREKLAMO NG SEXUAL HARASSMENT





Nagreklamo ng sexual harassment ang ilang contestant ng Miss Universe Indonesia laban sa organizers ng nasabing pageant.

Base sa reklamo ng pitong finalist ng pageant na ginanap sa Jakarta mula Hulyo 29 hanggang Agosto 3 na sila’y pinaghubad para sa umano’y body check dalawang araw bago ang coronation night.

Ayon kay Atty. Mellisa Anggraeni, abogado ng pitong kababaihan, sila’y pinaghubad sa harap mismo ng higit sa 20 ka-tao kasama na ang ilang kalalakihan para sa anila’y physical examinations.

Dagdag pa ni Anggraen, lima sa mga ito ang kinuhaan pa ng litrato.

Giit naman ni PT Capalla Swastika Karya, opisyal ng organizers ng Miss Universe sa Indonesia, kinailangan nila itong gawin upang masuri kung mayroong peklat, cellulite o tattoos ang mga contestant.

Sa ngayon ay nagsagawa na ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa nasabing alegasyon. |Ni Ma Joy Reyes

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog