SPAIN AT PORTUGAL, NAKAKARANAS NG MALAWAKANG FOREST FIRES



SPAIN AT PORTUGAL, NAKAKARANAS NG MALAWAKANG FOREST FIRES

Ni John Ronald Guarin

 

Trahedya ang kinakaharap ngayon sa bansang Spain at Portugal dahil sa malawakang sunog sa kanilang mga kagubatan.

 

Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng temperature sa dalawang bansa, posibleng magkaroon ng pangatlong heatwave sa kanilang summer season.

 

Ayon sa AEMET, isang Spanish state meteorological agency, isinailalim na sa red weather alerts ang buong bansa dahil aabot ang kanilang temperature sa 44 degrees Centigrade sa loob ng limang araw.

 

Ito ang pinakamainit na temperaturang naitala sa loob ng 73 taon.

 

Base naman sa ulat, mahigit 15,000 ektarya ng mga puno ang patuloy na nasusunog sa Portugal, lalo na sa rehiyon ng Odemira, kung saan nasa 1,500 na mga residente ang inilikas dahil sa naturang kalamidad.

 

Patuloy naman ang pag-apula ng mga otoridad sa naturang lugar ngunit imposible pa itong mahupa.

 

Sa pahayag naman ng mga eksperto, resulta na ng climate change ang matagal at mas malakas na heatwave, kung saan makikita sa buong Europe ang epekto nito tulad na ng wildfires.

 

(via Agence France-Presse)

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog