UGNAYAN NG PILIPINAS AT IRAQ, PALALAKASIN

 


Target ng Iraq na palakasin ang ugnayan nito sa Pilipinas sa iba’t ibang aspeto, tulad ng kalusugan, enerhiya, kalakalan, at edukasyon.

Ayon kay Iraq Embassy Chargé d’Affaires Dr. Khalid Ibrahim Mohammed, nasa Maynila ang high-level delegation, sa pangunguna ng Ministry of Health ng Iraq, para sa 8th Iraq-Philippines Joint Committee Meeting (JCM) ngayong araw, Agosto 30 hanggang 31.

Inihayag din nito na ang huling JCM ay ginanap noong Marso 2013, sampung taon na ang nakalipas.

Ang diplomatic ties sa pagitan ng dalawang bansa ay nagsimula 48 taon nang magbukas ang Iraq ng embahada sa Manila noong 1975.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog