Nakapagtala ang Canada ng
kauna-unahang kaso ng COVID-19 na mula sa highly mutated BA.2.86 variant ng
Omicron.
Ayon sa ayon sa joint
statement ni Dr. Bonnie Henry, at Health Minister Adrian Dix, hindi pa dinadala
sa ospital ang pasyente at hindi rin nagbabago ang banta ng nasabing virus sa
mga residente ng British Columbio.
Maliban sa Canada, nakapagtala
rin ang bansang Denmark ng BA.2.86 lineage noong nakaraang buwan gayundin ang United
States, Switzerland at Israel.
Samantala, sinabi ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention na kaya nitong mahawaan ang mga taong nagkaroon na ng COVID-19 o nakatanggap ng bakuna. | JURRY LIE VICENTE
0 Comments