Nagpaalala ang Department of Agriculture Western Visayas (DA WV) sa mga magsasaka sa rehiyon na naapektuhan ng Bagyong Goring na kaagad magreport sa mga opisyal ng barangay, lungsod o Municipal Agriculture Office.
Ito ay kinabibilangan ng mga
pinsala sa pananim, alagang hayop, makinarya o imprastraktura dulot ng Habagat
na pinalaks pa ng Bagyong Goring.
Ayon sa DA, layunin nitong
mapaghandaan ang kaukulang aksyon para sa mga apektadong magsasaka.
Napag-alaman na simula
nitong Lunes, ilang lugar sa Western Visayas ang nakapagtala ng pagbaha dahil
sa malawakang pag-ulan.
Nagpaalala naman ang DA WV sa mga magsasaka na bantayan ang lagay ng panahon. | JURRY LIE VICENTE
0 Comments