TROPICAL DEPRESSION SA LABAS NG PAR, ISA NANG GANAP NA BAGYO

 


WEATHER UPDATE | Naging isang bagyo na ang tropical depression sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

 

Sa ulat ng PAGASA, bagama’t hindi papasok sa PAR, palalakasin nito ang southwest monsoon o habagat at magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa.

 

Dahil dito, makararanas ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ng maaliwalas na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan at kidlat lalo na sa hapon o gabi.

 

Habang, ang ilang bahagi ng Visayas, Mindanao maging ang Albay, Sorsogon, Masbate, at Catanduanes, ay magkakaroon ng maulang panahon dahil sa low-pressure area (LPA).

 

Samantala, huli itong  namataan sa 235 kilometro silangan ng Borongan, Samar, na sinasabayan naman ng habagat. |TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog