BANTA SA SEGURIDAD, IPINAABOT NG PILIPINAS SA ASEAN COMMUNITY VISION 2045

 


BANTA SA SEGURIDAD, IPINAABOT NG PILIPINAS SA ASEAN COMMUNITY VISION 2045

Ni Rio Trayco


Ipinaabot ng delegasyon ng Pilipinas sa nagdaang 9th Meeting of the High-Level Task Force on the ASEAN Community’s Post-2025 Vision o HLTF-ACV ang ilang hinaharap na suliranin sa West Philippine Sea.

Kabilang sa isinulong ng bansa na maging prayoridad sa nasabing pulong ay ang pagtalakay sa banta sa seguridad partikular sa Indo-Pacific region kung saan makikita ang pinag-aagawang teritoryo.



Maliban dito iminungkahi rin ng delegado na resolbahin ang mga problema sa migration, biodiversity loss at climate change.

Ayon naman kay Ambassador Elizabeth P. Buensuceso na siyang namuno sa delegasyon ng bansa sa nasabing event, hinikayat niya ang ASEAN na bigyang halaga ang mga kababaihan para sa Community-building at sa paggawa ng mga desisyon.

Ngayong taon isinagawa ang nasabing pagtitipon sa Kuala Lumpur, Malaysia at i-endorso sa ASEAN Coordinating Council ang napag-usapan sa buwan ng Setyembre ngayong taon.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog