MAHIGIT P1-M NA HALAGA NG PEKENG SIGARILYO NASABAT SA MAYNILA

 


Inaresto ng otoridad ang dalawang lalaki matapos mahuli sa aktong nagbebenta ng pekeng sigarilyo sa Sta. Ana, Manila nitong Huwebes.

Ayon sa Special Mayor’s Reaction Team (SMART) ng Manila Police District, isang kumpanya ng sigarilyo ang nag-report ng iligal na aktibidad sa lugar.

Dahil dito, nagkasa ng entrapment operation ang mga pulis na nagresulta sa pagkadakip ng dalawang suspek.

Itinuro din ng mga ito sa otoridad ang pinagkukunan ng supply ng nasabing produkto na agad namang pinasok ng mga pulis at tumambad ang mga pekeng sigarilyo sa loob ng bodega.

Narekober sa kanila ang 100 na ream ng hinihinalang pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng P1.1 million.

Nahaharap ang mga nahuli sa kasong paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines (Selling and Transporting of Suspected Fake or Counterfeit Cigarettes) at Consumer Act of the Philippines. |Ni Rio Trayco

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog