TOURISM INDUSTRY, MULI NANG NABUBUHAY – GOV. MIRAFLORES



Ipinagmalaki ni Aklan Gov. Jose Enrique Miraflores na muling nabubuhay ang industriya ng turismo sa probinsya ng Aklan.

Aniya, taong 2022, nakilahok ang probinsya sa ginanap na ika 33rd Travel Mart sa bansa kung saan ipinakilala ang mga tourist attraction ng Aklan, kultura at pagkain sa pamamagitan ng Tourism Office.

Maliban dito, makikilahok din aniya ang probinsya sa gaganaping ika 34th Philippine Travel Mart sa Setyembre 1 hanggang 3 sa SM Mall of Asia.

Dagdag pa nito, patuloy ding dumadami ang tourist arrivals sa isla ng Boracay at inaasahang madadagdagan pa ang numero nito sa katapusan ng 2023.

Batay aniya sa datos mula Enero hanggang Hulyo, 2023, umabot na sa 1,332,418 ang bilang ng mga turistang bumista sa isla.

Binanggit din nito na malaking tulong ang pagpasa ng ordinansa kaugnay sa terminal fee at malaking tulong ito upang ipagpatuloy ang health services improvement sa panahon ng pandemya.

Habang patuloy din aniya ang pagpapabuti ng mga pasilidad sa terminal para sa kapakanan ng mga pasahero.

Isinusulong din aniya ang Aklan Provincial Marina Project na naglalayong magkaroon ng hub para sa cruise ship tourism na may mga modernong pasilidad.

Bukod dito, naka-upgrade rin aniya ang pasilidad at kagamitan ng Ciriaco S. Tirol Hospital para sa atensyong medikal ng mga turista.

Naglagay din aniya ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng 246 sets ng 200 watts solar roadway at replacement ng 2 units 20 feet lamp post.

Samantala, ipinagmalaki rin ng Gobernador na umabot sa ₱311 million o 21% ang naging koleksyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Kalibo noong 2022 habang pasok naman ito sa Rank No. 5 sa buong bansa sa 1st semester ng 2023. |Ni Jurry Lie Vicente

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog