PANGALAN NA RIZAL STREET, MANANATILI; CHINATOWN ZONE, APRUBADO -KALIBO VICE MAYOR DELA CRUZ

 


“Hindi papalitan ng pangalan ang Rizal Street bagkus ay gagawin lamang itong Chinatown zone”. 

Ito ang binigyang-diin ni Kalibo Vice Mayor Cynthia Dela Cruz sa programang Foro De Los Pueblos matapos na matanong kung ano ang magiging desisyon sa nasabing kalye. 

Aniya, ang plano sa naturang lugar ay ang kahalintulad sa Binondo, Manila na mayroong Chinatown kasabay ng naging pagtanggi nito na hindi naaprubahan ang nasabing hakbang dahil katunayan aniya ay mayroon na itong budget para sa 2024. 

Inihayag rin ni Dela Cruz na sa kasalukuyan ay mayroon na itong ipinasang ordinansa na naglalayong bumuo ng konseho na siyang tututok dito. 

Samantala, ipinunto rin nito na ang nasabing hakbang ay naglalayon na muling ibalik ang sigla sa lugar na makakatulong sa ekonomiya gayundin ang pag-asa na makapag-bigay ng trabaho lalo na sa mga Aklanon. |Ni Teresa Iguid

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog