SUPLAY NG SCHOOL ITEMS SA WESTERN VISAYAS, NANANATILING BASTANTE

 


SUPLAY NG SCHOOL ITEMS SA WESTERN VISAYAS, NANANATILING BASTANTE

Ni John Ronald Guarin

 

Bastante pa rin ang suplay ng mga school items sa Western Visayas ilang araw bago magbukas ang mga klase sa Agosto 29.

 

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) Western Visayas, nag-umpisa na ang kanilang regular price monitoring activities dalawang buwan na bago ang pagbubukas ng klase.

 

Dagdag pa ng DTI-6, ‘generally compliant’ naman ang mga bilihan at establisyemento sa Price Act.

 

Mula roon, wala pang may naiulat na may lumalagpas sa inilibas na Suggested Retail Price (SRP).

 

Matatandaan na noong Hulyo, nagpalabas ng 2023 School Supplies Price Guide ang DTI para magsilbing gabay para sa mga bibili ng school items:


Notebook - ₱23-₱52

Pad paper - ₱21-₱28

Intermediate pad - ₱31-₱48.75

Lapis - ₱11-₱17

Ballpen - ₱9.25-₱19.00

8-color pack crayon - ₱12-₱34

12-color pack crayon - ₱32

16-color - ₱24-₱69

Eraser - ₱4.50-₱20

Sharpener - ₱18-₱69

Ruler - ₱22-₱22.75

 

Sa pahayag naman ni DTI 6 OIC Regional Director Ermelinda Pollentes, nananatili pa rin ang presyo ng ilang mga school items pero may iilan ding tumaas ang presyo dahil na rin sa pagmahal ng ilang basic raw materials.

 

📸 DTI 6

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog