TITULO AT TRADEMARK NA “EAT BULAGA!” PAGMAMAY-ARI PA RIN NG TAPE INC., MATAPOS MA-RENEW NG 10 TAON



 

Pagmamay-ari pa rin ng “Television and Production Exponents Inc. (TAPE Inc.)” ang titulo at trademark na “Eat Bulaga!” matapos itong i-renew sa loob ng 10 taon ng Intellectual Property Office of The Philippines (IPOPHIL). 

Sa isang pahayag sinabi ng legal counsel ng TAPE na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, na natanggap ng kanilang kampo noong Agosto 4 ang Certificate of Renewal of Registration para sa Eat Bulaga! trademark, na hanggang 2033 ang bisa. 

Itinanggi rin nito na “free for all” na ang ‘Eat Bulaga’ trademark matapos na mag-expire ang registration dito ng TAPE noong Hunyo 14. 

Ibinahagi rin nito na importante ang certificate of renewal ng TAPE Inc na patunay aniya sa ownership sa trademark na ‘Eat Bulaga.’” 

Matatandaan na kamakailan lamang ay mayroong inihaing kaso sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon o TVJ laban sa TAPE at GMA Network na kanselahin ang trademark registration ng TAPE sa “Eat Bulaga!” title pati na ang logo nito. |Ni Teresa Iguid

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog