SOKOR NAKATAKDANG TUMULONG SA PILIPINAS, TIMOR-LESTE LABAN SA PLASTIC POLLUTION



Nakatakdang maglalaan ang South Korea ng nasa P501 milyon na tulong sa Pilipinas at Timor-Leste para labanan ang marine plastic pollution.

Ang proyekto ay ipatutupad sa coastal communities sa Bulan, Sorsogon; Daanbantayan, Cebu; Calbayog City, Samar; Dipolog City, Zamboanga del Norte; Puerto Princesa, Palawan; at Tandag City, Surigao del Sur gayundin ang apat na iba pang coastal communities na nasa Timor-Leste ay makikinabang din dito. 

Nabatid na ang “Reducing Marine Plastics in the East Asian S eas Region” initiative ay tatakbo ng anim na taon na layong pagbutihin ang pamamahala sa marine plastics sa dalawang bansa sa pamamagitan ng science-based governance, innovative solutions sa pagsusulong ng circular economy, regular beach monitoring sa marine plastics, angkop na training at community awareness drive.

Ang MOF ay nakipag-ugnayan sa Partnerships in Environmental Management for Seas of East Asia (PEMSEA), isang regional coordinating mechanism para sa sustainable development ng coastal at marine resources sa rehiyon, upang ipatupad ang proyekto. 

Samantala, nabatid sa Partnerships in Environmental Management for Seas of East Asia (PEMSEA), na ang Pilipinas ay ikinokonsiderang isa sa top five contributors ng marine plastic pollution sa buong mundo, habang ang Timor-Leste naman ay humaharap sa pagsasaayos ng mga basura at plastic nito dahil sa poor infrastructure at challenging geography nito. |Ni Teresa Iguid

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog