BIG-TIME OIL PRICE HIKE, AASAHAN SA SUSUNOD NA LINGGO



 

OIL PRICE UPDATE| Posible na naman ang big-time oil price hike sa presyo ng diesel at keresone habang minimal na pagtaas sa halaga ng gasoline ang aasahan sa susunod na linggo. 

Batay sa pagtataya ng ilang oil company, posibleng tumaas ang presyo ng diesel mula sa P3.70 hanggang P4 sa kada litro, at ang presyo ng kerosene ay tataas ng may P2.70 hanggang P3 kada litro. 

Habang inaasahan din na mayroong 20 sentimos hanggang 50 sentimos kada litro ang itataas sa presyo ng gasolina. 

Samantala itong pag galaw sa presyo ng produktong petrolyo ay dulot ng pagbabawas ng produksyon ng Saudi Arabia at Russia sa produktong petrolyo. |TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog