‘THE EXORCIST’ DIRECTOR WILLIAM FRIEDKIN, PUMANAW SA EDAD NA 87




Pumanaw na ang American film director na si William Friedkin sa edad na 87.

Binawian ng buhay ang filmmaker nitong Lunes sa kanyang bahay sa Los Angeles dahil sa heart failure at pagkakaroon ng pneumonia, ayon sa spokesperson ng Creative Artist Agency.

Si Friedkin ang direktor ng horror film na “The exorcist” na umani ng 10 nominasyon sa Academy Awards.

Siya rin ang nasa likod ng “The French Connection” na nag-uwi ng limang Academy Awards kabilang ang best actor para kay Gene Hackman, best picture at best director.

Nakatakda namang ipalabas ang legal drama film nitong “The Caine Mutiny Court-Martial” sa Venice Film Festival ngayong Agosto 30. |Ni Ma Joy Reyes

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog