JAPAN, SOKOR PINAGHAHANDAAN NA ANG BAGYONG KHANUN



Naghahanda na ang Japan at South Korea sa pananalasa ng bagyong Khanun, o kilala sa Pilipinas bilang bagyong Falcon.

Sa ulat ng Japan Meteorological Agency (JMA), ang bagyo ay namataan 160 kilometro silangan-hilagang silangan ng Amami City sa southwestern Japan at kumikilos pa hilaga.

Makaraang manalasa sa kanlurang bahagi ng Nagasaki prefecture, inaasahang kikilos ang bagyong Khanun pa-hilaga patungong South Korea.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 108 kilometro kada oras at pagbugso na aabot sa 144 kilometro kada oras. 

Samantala inaasahan naman ang 300-400 mm na pag-ulan mula Martes hanggang Miyerkules sa Shikoku at southern Kyushu regions, 200-300 mm ng ulan sa Amami, at Kinki sa Western Japan maging ang central region ng Tokai. |Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog