SUPLAY NG MURANG BIGAS, IPINANGAKO NG VIETNAM- HOUSE SPEAKER ROMUALDEZ

 


Inihayag ngayon ni House Speaker Martin Romualdez ang pangako ng Vietnam na magsusuplay sila ng murang bigas sa bansa. 

Ito ay matapos ang pakikipagpulong nito kay National Assembly of Vietnam Pres. Vuong Dinh Hue bago ang 44th ASEAN Parliamentary Assembly General sa Indonesia. 

Itinuturing naman nito na mahalaga ang pangako ng Vietnam dahil sa export ban ng bigas ng India na tiyak makakaapekto sa Africa at Asya.

Matatandaan naman na una nang sinabi ni Presidente Bongbong Marcos na mag-a-angkat ng bigas ang Pilipinas sakali na kulangin ang lokal na produksyon dahil sa pananalasa ng mga bagyo gayundin ang banta ng El Niño. |Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog