TAYLOR SWIFT, NAMIGAY NG P5.5-MILYONG BONUS SA BAWAT TRUCKER NG KANYANG ERAS TOUR CONCERT



TAYLOR SWIFT, NAMIGAY NG P5.5-MILYONG BONUS SA BAWAT TRUCKER NG KANYANG ERAS TOUR CONCERT

 

Namigay ang sikat na Hollywood singer/songwriter na si Taylor Swift ng P5.5-milyong halaga ng bonus sa bawat trucker na nasa likod ng kanyang Eras Tour concert.

Batay sa ulat, bago ang kanyang upcoming show sa Santa Clara, California, ibinigay agad ni Taylor ang bonus sa mga trucker na nakatalaga sa pagbubuhat ng mga kagamitan para sa kanyang mga concerts.

Sinasabing nasa 50 truckers ang mayroon si Taylor para sa kanyang U.S. tour, kung kaya’t aabot sa $5 milyon o P274 milyon ang nakatakdang ibabayad ng singer para sa kanilang “end of the tour” bonuses.

Maliban dito, namigay rin ng mga bonus checks ang American singer-songwriter sa band members, dancers, lighting at sound technicians, caterers, at iba pang kasama nito sa production.

Sa ulat ng Business Today, ipinahayag nitong posibleng aabot sa $1-bilyon (P54 bilyon) ang kita ng Eras Tour ni Taylor dahil nitong Hulyo 3 ay mayroon na itong $300-milyon (P16-bilyon) kung saan nasa $13 milyon (P700 milyon) ang average income nito sa isang gabi.

Nakatakda namang magtatapos ang Eras Tour ni Taylor Swift sa Agosto 17, 2024 sa London, England. /Ni Sam Zaulda

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog