CALABARZON, NANGUNGUNA SA MAY PINAKAMARAMING GOLD MEDALS SA UNANG ARAW NG PALARONG PAMBANSA 2023



CALABARZON, NANGUNGUNA SA MAY PINAKAMARAMING GOLD MEDALS SA UNANG ARAW NG PALARONG PAMBANSA 2023

Sa pagtatapos ng unang araw ng Palarong Pambansa 2023, nangunguna ang CALABARZON at Central Luzon sa may pinakamaraming napanalunan na medalya mula sa 17 rehiyon na kalahok ng nasabing palaro.

As of 8:40 pm ng Agosto 1, nakakuha ng 11 gold, 7 silver at 4 bronze ang CALABARZON na sinundan ng Central Luzon na may 8 gold, 4 silver at 6 gold.

Narito naman ang link para sa upadated na listahan ng medal tally: https://palarongpambansa2023.marikina.gov.ph/index.php/medal-tally/

Sa kabilang banda, binuhos man ng ulan ang pagbubukas ng 63rd Palarong Pambansa 2023 sa Marikina Sports Center ay tuloy pa rin ang programa.

Kung saan, natunghayan ang makukulay na parada at presentasyon ng iba't ibang grupo bilang patunay sa temang #BatangMalakasBansangMatatag.

Pinangunahan naman nina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., Vice President at DepEd Secretary Sara Z. Duterte, Special Assistant to the President (SAP) Anton Lagdameo, Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Fritz Gaston at ang Ama ng Host City na Marikina, Mayor Marcy Teodoro ang pagbubukas ng naturang aktibidad.

Nakatakda namang magtatagal hanggang ika-5 ng Agosto ang Palarong Pambansa 2023. /SAM ZAULDA

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog