FILIPINA CONTENT CREATOR, MAGIGING BOSES NG SCARAB SA IPAPALABAS NA PELIKULANG “BLUE BEETLE”



FILIPINA CONTENT CREATOR, MAGIGING BOSES NG SCARAB SA IPAPALABAS NA PELIKULANG “BLUE BEETLE”

 

Inanunsyo ng Warner Bros. Philippines na napiling magiging boses sa likod ng Scarab – sinaunang alien relic na mahalaga sa titular na kwento ng DC Super Hero - ang Filipina voice talent at content creator na si Inka Magnaye para sa Philippine release ng pelikulang “Blue Beetle”.

Si Inka Magnaye ay isa sa mga itinuturing na royalty sa niche voicework industry sa Pilipinas dahil sa kanyang napaka-kalamadong boses na maririnig sa ilang in-flight instructional safety announcement ng mga paliparan sa bansa, Pond’s, Smart, Globe, Nissin, Mitsubishi, at sa sikat na podcast na ““Sleeping Pill With Inka”. 

Sa naturang pelikula, ang Scarab na tinatawag na Khaji-Da ay siyang magiging gabay ni Jaime Reyes (na isasabuhay ni “Cobra Khai” breakout star Xolo Maridueña) at tutulong sa kanyang madiskubre at makontrol ang kanyang walang limitasyong kapangyarihan sa pagiging Super Hero Blue Beetle. 

Nabatid na sa orihinal na bersyon ng pelikula, ang singer/actress na si Becky G. ang naging boses ng Scarab. 

Nakatakda namang mapapanood sa mga sinehan ang “Blue Beetle” sa Agosto 16 ngayong taon. /Ni Sam Zaulda

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog