TAYLOR SWIFT, INANUNSYO ANG ‘1989 (TAYLOR’S VERSION)’ NA ALBUM SA KANIYANG CONCERT SA LOS ANGELES

 


TAYLOR SWIFT, INANUNSYO ANG ‘1989 (TAYLOR’S VERSION)’ NA ALBUM SA KANIYANG CONCERT SA LOS ANGELES

ni John Ronald Guarin

 

Inanunsyo ni Taylor Swift ang kaniyang bagong bersyon ng 2014 Grammy-Award winning album na “1989”, kung saan ilalabas na ito sa Oktubre 27 ngayong taon.

 

Sa kaniyang last US show sa SoFi Stadium, Inglewood, California, emosyonal na inanunsyo ni Swift ang ‘Taylor’s Version’ o ang re-recorded version ng kaniyang 2014 album.

 

“There’s something that I’ve been planning for a really, really, really, ridiculously, embarrassingly long time, and instead of telling you about it, I think I’ll just sort of show you,” pahayag ni Swift habang lumabas ang album graphic sa isang LED screen sa kaniyang likod

 

Kasabay din nito ang kompirmasyon ng naturang album sa kaniyang social media accounts na may caption, “Surprise!! 1989 (Taylor’s Version) is on its way to you! The 1989 album changed my life in countless ways, and it fills me with such excitement to announce that my version of it will be out October 27.”

 

Kilala ang “1989” dahil sa kaniyang mga sikat na kanta tulad ng “Shake It Off,” “Blank Space,” at “Style.”

 

Ito ikaapat na remake ni Taylor Swift mula nang inanunsyo niya ang re-recording project noong 2019, matapos ang pagbenta ng kaniyang dating music manager Scooter Brauner sa kaniyang mga ginawang album mula 2008 hanggang 2017.

 

Mula noon, una na niyang inilabas ang “Fearless (Taylor’s Version),” Red (Taylor’s Version), at ang kakalabas lang na “Speak Now (Taylor’s Version).”

 

via New York Post

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog