MASTERMIND SA PAGPASLANG KAY ADRIANNE FORNILLOS SA CAGAYAN DE ORO, ITINUTURONG ‘SUGAR DADDY’ UMANO NG NOBYA



MASTERMIND SA PAGPASLANG KAY ADRIANNE FORNILLOS SA CAGAYAN DE ORO, ITINUTURONG ‘SUGAR DADDY’ UMANO NG NOBYA


Tinuturong mastermind sa pagbaril-patay sa 23-anyos na Mr. Cagayan De Oro 2023 contestant na si Adriane Rovic Fornillos noong Mayo 9, 2023 ang diumanong ‘sugar daddy’ ng kaniyang nobya na isang pastor.

Matatandaan na pumunta sa Barangay Nazareth, Cagayan De Oro City si Fornillos sakay ang kaniyang motorsiklo para makapag-practice ng kaniyang talent performance.

Pagbaba ng kaniyang motorsiklo, nilapitan ito ng mga suspek at binaril si Fornillos sa likod ng kaniyang ulo. Agad naman na dinala sa ospital ang biktima ngunit binawian na ito ng buhay.

Ayon sa mga otoridad, itinuturong mastermind sa pagkamatay ni Fornillos ang isang pastor ng Lapasan Baptist Church na si Dimver Andales.

Base sa imbestigasyon, selos ang tinitingnang motibo dahil ang nobya ni Fornillos na si Jone Leonel Orog ang diumanong karelasyon ng pastor.

Inihayag din ng pamilya ng biktima na ang naturang pastor mismo ang nag-misa sa libing ni Fornillos.

Sa kabila nito, itinanggi naman ni Andales ang akusasyon na siya umano ang mastermind sa pagpatay kay Fornillos at ‘sugar daddy’ ng babae.

Ipinag-utos niya rin ang kaniyang legal team na hanapin ang nagpakalat ng akusasyon tungkol sa kaniya at plano niya itong kasuhan.

(via RBSFM Iloilo, and RBSFM Cagayan De Oro)

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog