MUSICAL WRITER NA SI TOM JONES, PUMANAW SA EDAD NA 95

 


MUSICAL WRITER NA SI TOM JONES, PUMANAW SA EDAD NA 95

 

Sumakabilang buhay na sa edad na 95 ang writer ng longest-running musical na “The Fantaskicks” sa kaniyang tahanan sa Sharon, Connecticut noong Agosto 13, araw ng Biyernes.

 

Ayon sa kumpirmasyon ng anak ni Jones na si Michael sa The New York Times, namatay ito dahil sa sakit na cancer.

 

Kilala si Tom Jones dahil sa kaniyang ginawang musical “The Fantaskicks” kasama ang dating composer na si Harvey Schmidt, kung saan nag-umpisa itong ipinakita sa publiko noong 1960 sa Greenwich Village at lumabas sa Broadway sa loob ng 42 taon.

 

Ipinanganak si Jones sa Littlefield, Texas noong Pebrero 17, 1928 at nagtapos ng kaniyang edukasyon sa University of Texas, kung saan nakilala niya si Schmidt. | JOHN RONALD GUARIN

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog