TATLONG BAYAN SA AKLAN APEKTADO NA NG RED TIDE


 

Inabisuhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko na iwasan muna ang pagkuha, pagkain at pagbenta ng lahat ng uri ng shellfish at Acetes (alamang o hipon) sa mga katubigang sakop ng mga bayan ng Altavas, Batan at New Washington dahil sa banta ng red Tide.

Batay sa inilabas na Shellfish Bulletin no. 20 ng BFAR central office, nagpositibo sa red tide ang tatlong bayan kasama ang iba pang baybayin sa katabing probinsya ng Capiz at Iloilo.

Sa anunsyo ng LGU New Washington, kukumpiskahin ng otoridad ang mga produktong ipinagbabawal na ibenta dahil mapanganib ito sa kalusugan ng publiko.

Ayon sa BFAR, lumabas sa pagsusuri na lampas sa normal na lebel ng Saxitoxin na pinagmumulan ng Paralytic Shellfish Poisoning (PSP) ang nakita sa mga lamang dagat sa tatlong lugar na hindi ligtas kainin ng tao.

Nilinaw naman ng ahensya na maaring kainin ang mga isda, pasayan at alimango pero dapat ay sariwa ito, hugasang mabuti at tanggalin ang internal organs at hasang bago lutuin.

Kaugnay nito, magsasagawa ng monitoring ang BFAR at tatlong LGU’s sa lugar para sa kaligtasan ng publiko. |Ni Rio Trayco

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog