PNP, PINAGBAWALAN ANG MGA PULIS NA MAKIPAG-SELFIE SA MGA FIBA PLAYERS

 


Mahigpit na ipagbabawal ng Philippine National Police (PNP) ang pagse-selfie ng mga pulis kasama ang mga manlalaro sa pagbubukas ng FIBA World Cup 2023 ngayong araw sa Philippine Arena sa Bulacan. 

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, prayoridad ng mga pulis na gampanan ang kanilang trabaho na pagbibibigay ng seguridad sa mga manlalaro at venue. Posible aniyang mawala sa pokus ang mga pulis sa sandaling nagkaroon ng pagkakataon sa pagse-selfie. 

Aniya pa naiintindihan naman nila na may mga pulis na fan ng basketball subalit kailangan pa rin aniyang unahin ang kanilang trabaho dahil estado ng Pilipinas ang nakasalalay dito. 

Kaugnay dito, ipinunto rin ng opisyal na nabigyan na ng direktiba ang kanilang mga field commanders na iwasan ang ganitong scenario at tututukan lamang ang kanilang misyon na tiyakin ang seguridad ng mga manlalaro, coaches at iba pang kabilang sa kanilang delegasyon mula sa paliparan, billeting areas hanggang sa mga lansangan na daraanan ng kanilang convoy. 

Samantala ang mga pulis na mahuhuling nakikipag-selfie ay maaaring maharap sa administrative sanctions. |Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog