TAAS-PRESYO SA ILANG MGA PANGUNAHING SCHOOL SUPPLIES, NAITALA NG DTI-AKLAN

 



Nakarekord ng taas-presyo sa ilang mga pangunahing school supplies ang Department of Trade and Industry- Aklan matapos ang kanilang naging monitoring sa ilang mga establisyemento sa probinsya. 

Sa panayam ng Radyo Bandera News Team kay Ma. Carmen Iturralde ng DTI-Aklan, inihayag nito na batay sa kanilang inilabas na Suggested Retail Price (SRP) noong nakalipas na taon, nasa 22 hanggang 54% ang itinaas kumpara sa panibagong SRP na inilabas ngayon.

Ani ni Iturralde, itong taas-presyo sa ilang mga produkto para sa nalalapit na pasukan ay nakadepende rin sa brands, size at volume. 

Mababatid na sa kanilang inilabas na SRP aabot sa P23-P52 ang presyo ng notebook, P21-P28 ang pad paper para sa mga grade 1 hanggang 4, P31-48.75 ang intermediate pad paper, P11-17 ang lapis, P9.75-P19 ang ballpen at mabibili naman mula P12-P69 ang crayons, depende sa brand at bilang. 

Kaugnay dito pinayuhan din ni Iturralde ang mga mamimili na piliin ang mga “established” na pamilihan upang masiguro ang kalidad at presyo ng mga school supplies.

Samantala para naman sa karagdagang gabay sa presyo ng naturang mga produkto ay maari aniyang bisitahin ang website at facebook page ng DTI. |Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog