PINSALA SA NAGANAP NA SUNOG SA COLEGIO DE STA. RITA SA SAN CARLOS CITY, NEGROS OCCIDENTAL, UMABOT NA SA ₱15-MILLION

 


PINSALA SA NAGANAP NA SUNOG SA COLEGIO DE STA. RITA SA SAN CARLOS CITY, NEGROS OCCIDENTAL, UMABOT NA SA ₱15-MILLION

Ni John Ronald Guarin

 

Umabot na sa ₱15 million ang pinsala sa naganap na sunog sa Colegio De Sta. Rita sa San Carlos City, Negros Occidental, mga bandang alas-7 ng gabi nitong Agosto 14, Lunes.

 

Ayon sa City Fire Marshall ng San Carlos City na si Fire Chief Inspector Rufino Tañedo, umabot sa ikatlong alarm ang sunog, kung saan 11 mga fire trucks sa Negros Occidental at Negros Oriental ang nagresponde para apulahin ang sunog.

 

Base sa imbestigasyon, nag-umpisa ang sunog sa kaliwang bahagi ng paaralan kung saan nandoon ang accounting office.

 

Mahigit apat na oras naman ang pag-apula ng mga bumbero bago itong nadeklarang ‘fire out.’

 

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng BFP sa nangyaring insidente habang suspendido muna ang klase sa nasabing paaralan.

 

(via Radyo Pilipinas)

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog