KASO NG DENGUE SA PROBINSYA NG AKLAN, PUMALO NA SA MAHIGIT 300


Umabot na sa 363 ang kaso ng dengue sa probinsya ng Aklan mula Enero 1 hanggang Agosto 5, 2023.

Ito ang kinumpirma ni Roger Debuque ng PHO Aklan sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo.

Aniya, mas mababa ng 18% ang kaso ng dengue ngayong taon kumpara sa 443 na kaso sa magkaparehong period noong 2022.

Batay sa datos ng Provincial Health Office (PHO) Aklan, 87 na kaso ang naitala sa Ibajay; 45 sa Nabas; 33 sa New Washington; 18 sa Balete; 14 sa Banga; 13 sa Numancia; 12 sa Batan at Libacao; 11 sa Malay at Altavas; 10 sa Malinao; 8 sa Tangalan; 7 sa Lezo; 6 sa Makato; 5 sa Madalag; at 3 sa Buruanga.

Samantala, nasa apat (4) naman ang naitalang nasawi sa dengue ngayong taon kung saan mula ito sa bayan ng Makato, Tangalan, Kalibo at Malay. |Ni Jurry Lie Vicente

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog