TAAS-PRESYO SA BIGAS PATULOY NA NAKA AMBA DAHIL SA EPEKTO NG EL NIÑO; DIVERSIFIED CROPPING INIREKOMENDA SA MGA MAGSASAKA SA AKLAN


Naka-amba ang patuloy pang pagtaas sa presyo ng bigas sa mga merkado sa Aklan sakaling mas lumala pa ang epekto ng El Niño sa probinsya.

Ito ang inihayag ni Provincial Agriculturist Engr. Alexys Apolonio sa naging press conference kahapon, makaraang matanong sa estado ng mga sakahan sa probinsya matapos ang ilang ulat na may mga lugar nang apektado ng nasabing El Niño. 

Dito ay tinukoy ni Aklan Governor Jose Enrique Miraflores ang Western side ng Aklan bilang isa sa mga lugar na nahihirapang makabuhay ng pananim na palay dahil sa kapos o kawalan ng suplay ng tubig. 

Aniya, isa ito sa mga dahilan ng mahinang ani na nagre-resulta naman sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas sa mga merkado. 

Habang ipinunto rin ni Apolonio na hindi rice sufficient ang probinsya dahil sa mataas na demand na maaari pang bumaba dahil pa rin sa epekto nitong El Niño. 

Dahil dito, plano ng lokal na pamahalaan ng Aklan katuwang ang iba pang kinauukulan na patuloy pang hikayatin ang mga magsasaka na mag “diversified cropping” o pansamantalang paglipat sa pagtatanim ng ibang produkto na mabubuhay sa mainit na panahon. 

Samantala, ipinasiguro naman ni Apolonio na patuloy ang kanilang monitoring sa mga sakahan sa eastern side habang naghahanda na rin aniya sila ng mga seedlings ng mga gulay na ipapamahagi sa mga magsasaka bilang alternatibong pananim sa palay. |Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog