JAY SONZA NAKALABAS NG KULUNGAN MATAPOS MAKAPAG-PIYANSA


Pansamantalang nakalabas ng kulungan ang dating brodkaster na si Jay Sonza matapos itong makapag-piyansa sa kinakaharap na kaso.

Ayon sa kumpirmasyon ng Bureau of Jail Management and Penology, nakalabas ng BJMP-Quezon City Jail si Sonza kahapon nang magbayad ng piyansa sa 11 counts ng kasong estafa.
Nabatid na ibinasura ng korte kamakailan ang isinampang syndicated at large-scale illegal recruitment laban sa dating TV personality.
Naaresto si Sonza noong July 18 nang maharang ito ng immigration officials habang pasakay ng eroplano papuntang Hongkong sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Dito nadiskubre na may mga nabinbing kaso ang dating brodkaster na estafa at syndicated and large-scale illegal recruitment.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog