AKLAN PROVINCIAL GOVERNMENT, NAKIKIPAG-UGNAYAN NA SA IBANG LUGAR UPANG MAIBSAN ANG MATAAS NA PRESYO NG BABOY DAHIL SA ASF


 
 

Nakikipag-ugnayan na ngayon ang lokal na pamahalaan ng Aklan sa probinsya ng Oriental Mindoro sa mga posibleng hakbang na makakatulong upang maibsan ang kakulangan ng produktong baboy sa Aklan dahil sa epekto ng ASF. 

Ayon kay Gov. Jose Enrique Miraflores, isa sa kanilang tinitingnan ngayon ay kung maaaring makapag-suplay ng mga hogs ang naturang lugar sa Aklan upang mapigil na rin ang patuloy na pagsipa ng presyo nito sa mga pamilihan. 

Aminado rin si Miraflores, na matatagalan pa bago tuluyang bumalik sa normal ang hog industry sa probinsya dahil sa kasalukuyan aniya ay nasa 15 mula sa 17 na mga bayan ang apektado sa naturang sakit sa baboy. 

Hindi rin aniya muna nito hihikayatin ang mga hog raisers na bumalik agad sa pag-aalaga ng mga baboy dahil minsan na rin itong sinubukan sa ibang lugar ngunit muli lamang nabigo at nalugi matapos na mamatayan ng mga alaga. 

Sa halip, mas maigi aniya na magkaroon ng alternatibong kabuhayan tulad ng poultry o pagtatanim. 

Samantala, ipinasiguro naman nito na may mga matatanggap na assistance ang nag-report na apektadong hog raisers sa ASF at bukas rin aniya silang magbigay ng training at seminars sa kung paano makakapag-simula sa panibagong kabuhayan. |Ni Teresa Iguid

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog