SUPPLIER NG ‘BLACK COCAINE,’ ARESTADO NG NBI

 


Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang miyembro ng West African syndicate na nagsusuplay ng illegal na droga o kilala bilang “black cocaine”.

Sa naganap na press conference, inihayag ni NBI spokesperson Giselle Dumlao na dinakip ng NBI Task Force Against Illegal Drugs (TFAID) ang suspek na si Benjamin Mosuke sa Dasmariñas, Cavite.

Nakumpiska ng NBI ang mga kemikal at equipment na ginagamit sa paggawa ng iligal na droga at ₱20-milyong halaga ng cocaine mula sa bahay ni Mosuke.

Pinalawinag naman ni TFAID Commander Ross Jonathan Galicia na ang “black cocain” ay pinapalabas na isang biskwit at cookies, at ito aniya ang unang pagkakataon na may nakumpiska silang black cocaine sa Pilipinas.

Sa kabila nito, sinampahan na ng kaso si Mosuke sa City Prosecutor’s Office sa Dasmariñas City habang sinusubukan din ng NBI na matunton ang mga courier na na-recruit na kadalasan ay mga walang trabaho. | JOHN RONALD GUARIN

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog