PROYEKTO NA SE-SENTRO SA MENTAL HEALTH AWARENESS, PLANONG ISAGAWA NG AKLAN MEDICAL SOCIETY

 


Plano ngayon ng Aklan Medical Society katuwang ang iba pang kinauukulan na magkaroon ng proyekto na se-sentro sa mental health awareness, partikular na sa probinsya ng Aklan. 

Itong hakbang ay kaugnay sa kinakaharap na mental health issues sa buong mundo. 

Sa isinagawang press conference kahapon, nabatid na aabot sa 450 milyon katao ang nakakaranas ng mental at behavioral disorder sa buong mundo, kung saan sa bawat 40 segundo ay mayroong namamatay sa pamamagitan ng suicide, ayon sa WHO. 

Dito ay napag-alaman na pumapangatlo ang Pilipinas sa mga bansa na may mataas na rate ng mental health problems sa western pacific region dahil sa pag-doble hanggang tripleng kaso ng pagpapakamatay simula taong 2019. 

Ngunit sa kabila ng mataas na rate ng mental health loss, napanatili ng bansa ang mababang bilang sa mga nagpapasuri sa mga eksperto na aabot lamang sa 2.2% hanggang 17.5%.

Kaugnay dito, sa ulat ng Aklan Police Provincial Office (APPO) nakarekord ng pag-doble sa bilang mula taong 2019-2020 lamang, at patuloy pa itong tumataas. 

Sa datos naman ng PHO-Aklan, nabatid na dumoble ng dalawang beses ang kaso ng pagpapakamatay noong taong 2020, sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic. 

Habang nitong Hunyo 2023, lumalabas na mahigit sa kalahati ang itinaas sa naitalang numero sa nakalipas na mga taon at majority dito ay mga kabataan. 

Samantala, dahil dito balak ngayon ng Aklan Medical Society na isagawa ang “It’s okay not to be okay” project na layong mapataas ang kaalaman sa mental health gayundin ang pag-improve sa health seeking behavior. |TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog