Aprubado ni
Pres. Ferdinand Marcos Jr., ang plano ng Department of Trade and Industry (DTI)
na mapahusay ang food logistics sa bansa.
Ayon sa
Presidential Communications Office (PCO), layunin nitong matiyak na
mananatiling sapat ang pagkain at abot-kaya sa mga Pilipino.
Ito ay bilang
tugon sa naging mandato ni Pres. Ferdinand Marcos Jr., noong Setyembre 2022 na
palakasin ang “food logistics chain, cold chain industry, ports infrastructure
at farm-to-market roads.”
Kabilang din
sa plano ang paggamit ng food terminals at hubs sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Samantala, sisikapin din ng gobyerno na malabanan ang mga nangyayaring hoarding at smuggling sa bansa. |JURRY LIE VICENTE
0 Comments