MGA PEKENG TRAVEL AGENCY, TUTUTUKAN NG MALAY PNP

 


Tututukan ng Malay Municipal Police Station ang paglaganap ng mga hindi accredited ng Department of Tourism (DOT) na travel agency sa bayan ng Malay at isla ng Boracay.

Ito ang inihayag ni PLTCOL Dainis Amuguis, hepe ng Malay PNP sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo.

Aniya, sisikapin ng kanilang tanggapan na mabigyan ng aksyon ang mga natatanggap na reklamo hinggil sa mga nangyayaring scamming mula sa mga nagpapakilalang travel agency sa Boracay.

Dahil dito, pinayuhan ni PLTCOL Amuguis ang mga turista na tiyaking accredited ng DOT ang isang travel agency at suriing mabuti bago makipagtransaksyon.

Dagdag pa nito, huwag aniya basta maniniwala sa mga nakikita sa social media at seguraduhing lehitimo ang mga binabayaran.

Sa ngayon, patuloy aniya ang mga aktibidad at programa ng PNP sa munisipalidad ng Malay.

Samantala, tuloy-tuloy din aniya ang pagpapatupad ng anti-criminality campaign kasama na rito ang mga ordinansa at batas para kapakanan ng publiko. |Ni Jurry Lie Vicente

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog