SUPLAY NG BIGAS, SAPAT HANGGANG SA PAGTATAPOS NG El NIÑO SA 2024- PBBM



Nagtitiwala si Pres. Ferdinand Marcos Jr., na sapat ang suplay ng bigas sa bansa hanggang sa pagtatapos ng El Niño sa 2024.

Ito ang inihayag ng pangulo sa isinagawang pakikipagpulong sa mga stakeholders ng industriya kasama ang Private Sector Advisory Council at Philippine Rice Stakeholders Movement sa Malacañang.

Tinalakay din ng Punong Ehekutibo ang estado ng rice industry sa Pilipinas gayundin ang mga hakbang ng gobyerno na dapat isaalang-alang upang matiyak na sapat ang suplay bigas sa Pilipinas.

Kaugnay dito, sinabi rin ng pangulo na manageable at stable ang sitwasyon ng bigas kung kaya’t naniniwala itong hindi kukulangin ang suplay nito hanggang sa susunod na taon. |Ni Jurry Lie Vicente

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog