17-ANYOS NA LALAKI, PATAY MATAPOS MAPAGKAMALANG SUSPEK NG MGA PULIS



Nasawi ang isang 17-anyos na lalaki sa Navotas City matapos itong mapagkamalang suspek ng mga pulis.

Sa isang ulat, mangingisda sana ang nasabing lalaki nang bigla itong barilin ng anim na mga pulis ng Navotas City sa Barangay NBBS Kaunlaran.

Kwento naman ng kaibigang kasama ng 17-anyos na lalaki, naghahanda na umano ang mga ito ng kanilang bangka nang inutusan silang bumaba ng mga pulis.

Bago pa makalapit ang biktima ay pinagbabaril na ito ng mga kapulisan dahilan ng pagkamatay nito.

Napag-alamang nasa gitna ng isang operasyon ang mga pulis kung saan hinahanap nila ang suspek sa isang insidente ng pamamaril sa naturang barangay.

Inamin naman ng Navotas PNP ang kanilang pagkakamali sa naturang operasyon.

Dahil dito, kinuhaan na ng mga armas at naka-detain na ang nabanggit na anim na mga pulis na kasama sa operasyon pati mahaharap din ang mga ito sa kasong homicide. |Ni Sam Zaulda

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog